Linggo, Agosto 7, 2011

My Level up adventures

 Ang lahat ay nagsimula sa biruan..pangarap ko kasi noon na magkaroon ng pagbabago sa pang araw araw ko na pamumuhay at naisip ko lang...naisip at naishare ko lang naman na gusto kong gawin iyon..isang pangarap na tinupad ng aking mga kaibigan...


Nung una itinatago pa namin sa aming sarili na gusto namin iyon (oh baka ako lang talaga...) tapos ayun nagkakayayaan na..tapos di na matagalan ang isang linggo o dalawang linggo na wala iyon.


Masaya ako pag ginagawa namin iyon..nawawala sa tamang takbo ung pag-iisip mo..nakakalimutan mo lahat ng problema mo..nasasabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin..Napagkkwentuhan lahat ng pwedeng pagkwentuhan at lahat hindi lumalabas kasi nakakalimutan namin kinabukasan kung ano iyon..:)


Level up ang katagang nagsasalarawan ng paglalakbay na ginagawa namin pagtapos ng klase..walang halong kaplastikan...walang halong pagpapanggap..pag level up ang napag usapan..para kaming mga aso na nakataas ang buntot at nag aantay sa buto na itatapon sa kanya. Pag level up..umulan umaraw bumagyo bumaha..walang atrasan..ang level up ay level up..


Nakikita ang tunay na kulay ng tao pag may level up...
Nakikita ang tunay na sinisigaw ng damdamin pag may level up
Nakikita ang tunay na kulay ng pagkain pag may level up...hehehe!
Nakikita mo kung sinong tao ang totoong nagmamahal sa'yo pag may level up :)









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento